Sino sikat?

Simula ng namulat sa mundo ang mga authors ng kwentotero, hindi naiwasan ang pagkokompara sa mga bagay-bagay simula noong pagkabata namin. Nariyan ang mga pagandahan ng laruan, pakapalan ng text ('yong papel, hindi ung parati mong ginagawa kahit tumatae.), pagalingan ng paboritong team sa NBA, pagandahan ng NBA cards at nadaan din sa papogian ng sikat na boyband. Sige, mataon tayo jan...

Noong kapanahunan ng Westlife at Backstreet Boys, usong uso ang buhok na kulay mais at dividing of the red-sea cut na hair-do(kachupoy). Pati pananamit ay ginagaya ng mga kabataan noon. Hindi rin naman nawala ang ganyang trend sa panahon ngayon, nung sumikat ang HipHop ay napasok dn sa fashion line ng mga 'youth' ang HipHop, ganun din naman ang naging epekto nung naglabasan ang R&B at naiForge ang panibagong Rock. 

Sa gayahan ng mga istilo sa mga 'icons' na yan, nagkaproblema ang mga magulang sa mga anak nila. Tila naging pabaya na sa katawan ang mga dalaghitang nakikiuso at gumagaya sa mga sikat na babaeng singers noon tulad nila Beyonce, Britney Spears, Madonna, Cristina Aguilera, at lalo namang uminit dito sa Pinas nang ginaya ang fashion na pinauso ni Jolina Magdangal na bigla namang nawala after 3 weeks.

Hanggang ngayon, malubha ang pagpapakita ng balat ng mga batang babae. Makikita mo silang naka short-shorts, o mas kilala sa tawag na pek-pek shorts dahil halos makita na ang mga anyway, mabalik tayo sa pekpek.. sa moralidad, sa tingin kasi namin, malaking impluwensya ang mga celebrity icons ngayon sa pananamit ng mga kabataan, lalu na sa panahon ngayon nina Miley Cyrus (na sinasabing susunod na Britney Spears), Kesha, Taylor Swift at higit sa lahat, ang nagdadalagang si Justin Bieber.

Ano na nga ba ang nangyayare sa mga kabataan ngayon? Ganun na ba sila kababaw ngayon?

Hindi naman sa nakikialam kami o kung anuman.. naiinsecure lang kami kung bakit andameng patay na patay sa Jokas Brothers...






No comments:

Post a Comment

Hanapin mo dito kung naligaw ka lang

DSCLMR

The authors does not claim any pictures,videos and other contents which are under copyrights, visual details such as these were merely downloaded from the internet.