Ang ORIGAMI ay nagmula sa dalawang pinagsamang salitang hapon na ORI na ang ibig sabihin ay "folding" o pagtupi at KAMI na nangangahulugan naman ng "paper" o papel.
Sa bansang Japan nag-originate ang Origami na nagsimula pa nuong 17th century na nagtuloy naman ang pagsikat pagdating ng kalagitnaan ng 19th century.
Ang mga sumusunod ay examples ng Origami na pinagaralan at pinaghirapan naming gawin nung nagCR kami sa Japan.
"Paper Dragon Fly" ni TIGASin.
ginawa sa pagtupi ng pulang cartolina.
"Paper Scorpion" ni Anonimus.
gawa sa pagtupi ng white lumpia wrapper.
"Paper Dragon" ni Kwentoterong Long.
ginawa sa pagtupi ng basang tissue paper.
"Gundam'mit!!" ni Teteng Galit.
gawa sa tinuping lata ng sardinas tapos binalot sa papel.
____________________________________________________
Ilan lang ito sa mga Origami na ginawa namin. Cool di ba?
Gusto naman naming ishare ang natutunan namin sa pagCR namin sa Japan, kaya
gumawa kami ng instructions para sa inyo.
Sana ay may natutunan kayo.
________
"Isang dagdag kaalaman mula sa kwentotero.blogspot.com"
No comments:
Post a Comment