Rich People

Madalas natin naririnig/binabanggit yan sa mga taong mayaman o dekotse at kung anu pang shit. Kung sinabing milyonaryo ka, sobrang yaman mo na. Pero noon lang yon.. Nung mura pa ang pera. Nung piso pa ang baon ng magulang mo. Nung tigbentesingko sentimos lang ang 8oz coke.  Nung piso pa ang pamasahe sa jeep. Iba na ngayon.

Sa kadahilanang unti unting bumababa ang katumbas ng Peso, paliit ng paliit ang katumbas ng isang milyon kung tutuusin. Isang brand new na kotse lang, aabutin na ng halos isang milyon. Ni hindi ka nga makapagpatayo ng isang magarang bahay sa isang milyon.

Alam mo bang ang isang milyon ay hindi na basehan ngayon pra sabihin sobrang yaman mo? Oo totoo. Seryoso. Kaming mismo na mga author dito sa kwentotero, inaamin naming may pinanghahawakan kaming milyon.  Hindi kami nagyayabang. Hindi rin naman kasi namin sinasabing mayayaman kami. Halos lahat naman ng tao  ngayon ay may million worth asset. Kumbaga normal nalang ang taong magkaron ng milyon.

Lahat nagbabago. Ang titi nga raw lumuliit pag tumatanda, Pera pa kaya. Para sa amin, ang bagong depenisyon ng salitang “Rich People”, eh ung mga taong may hawak na bilyon. Marami jan. Hindi ko na sasabihn baka makidnap pa. Sa foreign nalang.. tutal anjan sila Pareng Bill Gates,Kuya Mark Zuckerberg, Tito Micheal Dell, Bro Steve Jobs, at kung sinu-sino pa. Hindi ko na kailangang isa-isahin dahil mauumay ka lang sa kababasa. At bka mainggit ka pa.

Ang binibigyang pansin dito e ung pera sa Pilipinas lang. Kung andito ka naman sa 'pinas at my million dollars/dinar ka, Rich People ka.





No comments:

Post a Comment

Hanapin mo dito kung naligaw ka lang

DSCLMR

The authors does not claim any pictures,videos and other contents which are under copyrights, visual details such as these were merely downloaded from the internet.