Sa 'di kalayuang lugar, may isang babaeng namumuhay ng marangal at masagana. Ang babae ay mayroong isang anak. Sadyang pangit ang bata sa hindi maipaliwanag na dahilan, pero marahil ito'y laro lamang ng tadhana. Isang araw, pasakay ng bus ang ale akay-akay ang kanyang anak upang pumunta sa palengke. Nang sinisingil na siya ng konduktor ay nagkaron ng konting argumento.
Konduktor: Opo Ma'am, sige p... Ewwwwwww! Yuck! Ang pangit ng baby mo! Hindi ata baby yan eh, dalawa ang singil ko... Grooowsss! 'wag mo nga akong lokohin, lumang racket na yan! Kadiri talaga...
Hindi na nakapag-angal pa ang ale dahil takot siyang gumawa ng iskandalo kaya't inabot na lamang niya ang isa pang bayad bago tuluyang umupo sa likuran ng bus dahil sa kahihiyan. Pagkarating niya sa upuan ay may isang matipunong lalake na inalok siya ng upuan. Napaka-gentleman ng lalake, gwapo pa. Di nagtagal ay nagusap na sila ng lalake dahil sa pangyayare kani-kanina lang.
Lalakeng Gwapo na Gentleman: Grabe naman yung mama kanina, walang puso.
Ale: Wala yun, wag na nating pansinin.
Lalakeng Gwapo na Gentleman: Ganyan ka ba talaga? Pababayaan mo bang api-apihin ka?
Ale: Ok lang yun. Bayaan na lang natin.
Lalakeng Gwapo na Gentleman: Habang buhay ka bang magiging ganyan? Wag mong hayaang maliitin ka ng mga tao. Puntahan mo siya dun at gawin mo ang nararapat! Sampalin mo, sabihin mong bastos siya! Lahat ng nilalang sa mundo ay pantay-pantay. Maging tao man o hayop.
Namulat ang mata ng Babae at tila tumibok ang kanyang puso. Nung patayo na siya...
Lalakeng Gwapo na Gentleman: Kumilos ka na! Hawakan ko na muna yang pet mong monkey.
THE END.