Inihanda ng tadhana: Isang kwento ng pag-aalala sa nakaraan.

Noong 1986, nagbakasyon ang isang binatilyo nagngangalang Mkele Mbembe sa kenya matapos grumaduate sa isang University. Habang naghahiking, nakasalubong siya ng isang elephant na nakataas ang isang paa. Distressed yung elephant kaya dahan-dahang nilapitan ni Mkele Mbembe. Matapos ang saglitang pagsisiyasat, napansin niya na may nakatusok na kahoy sa paa nito, dahilan ng 'unusual' na pagtayo nito't naghihintay ng tulong. Gamit ang dalang hunting knife, inalis niya ang nakatusok na kahoy sa paanan ng elepante, at dahan-dahan namang binaba ng elepante ang paa nya.


Humarap ang elepante kay Mkele, at tinitigan ito ng matagal. Hindi nakagalaw ang binata sa takot na baka tapakan siya ng dambuhalang nilalang. Matapos ang dalawang minutong pagtititigan, nagtrumpet ang elepante ng malakas na tila nagpapasalamat at umalis. Hindi makakalimutan ni Mkele Mbembe ang pangyayare sa araw na yon.

2006, matapos ang dalawang dekada, namasyal si Mkele sa Chicago Zoo kasama ang mga anak. Nang papalit na sila sa lugar kung saan nakakulong ang mga elepante, may isang Adult elephant ang tila sumasalubong sakanila. Habang kumukuha ng pictures ang mag-aama, lumapit ang isang elepante sakanila, at itinaas ang isang paa. Paulit-ulit itong ginawa ng elepante habang nakikita si Mkele Mbembe at ang kanyang pamilya. 

Naalala ni Mkele ang pangyayari noong 1986 sa kanya, at hindi niya maimagine kung ito nga 'yung elepanteng 'yon. Inipon nya ang kanyang lakas ng loob, at bago umalis ang pamilya sa zoo, tinakbo nya ang kulungan ng elepante at nagulat naman ng itinaas muli ng elepante ang kanyang paa. Inakyat ni Mkele Mbembe ang bakod na naghihiwalay sa kanila. Ilang sandali pa, magkaharap na ang dambuhala at si Mkele na sa tingin nya ay isang reunion at inihanda ng tadhana. Niyakap ng ilong ng elepante ang binti ng lalake, binuhat patiwarik at binalibag si Mkele Mbembe sa sahig at tinapakan. Sa kasamaang palad, hindi 'yon 'yung elepanteng nakita nya 20 years ago. -the end.

moral of the story: 'wag maging tanga.





No comments:

Post a Comment

Hanapin mo dito kung naligaw ka lang

DSCLMR

The authors does not claim any pictures,videos and other contents which are under copyrights, visual details such as these were merely downloaded from the internet.