Bumababa mula sa kwarto ang isang batang lalaki para sana mag-agahan
pero bago 'yun...
Mader: Tapos ka na ba sa mga gawaing bahay anak? Pinakain mo na ba ang mga alaga natin sa farm?
Anak: Hindi pa po inay...
Mader: Walang agahan hanggat di mo pa natatapos 'yung mga chores mo...
Walang nagawa ang bata at nagpakain nalang ng animals sa farm...at sa badtrip ng bata...
pagkatapos niyang pakainin ang mga manok, sinipa niya...
pagkatapos niyang pakainin ang mga baboy, sinipa niya...
pagkatapos niyang pakainin ang mga baka, sinipa niya...
pagbalik nya sa bahay. Binigyan siya ng nanay niya ng isang dry at boring meal... cereal na walang gatas.
napatanong ang bata:
Anak: Bakit 'eto lang ma?
Mader: Anak, nakita ko ang ginawa mo... at yan ang parusa mo.
sinipa mo ang manok kaya hindi ka kakain ng itlog sa isang linggo...
sinipa mo ang mga baboy kaya walang bacon o kahit anong pork ng isang linggo...
sinipa mo rin ang mga baka kaya walang gatas tuwing umaga at bago matulog ng limang araw...
Habang nagdidiskusyon ang mag-ina ay may narinig silang sigaw...
Pader: SHOOOO!!
***meow!*** ('yung tipong takot...)
***meowWw!!!***
( ayan.. ganyan nga...)
Sinipa ng tatay nila ang pusa... at biglang pasok sa dining hall.
At matapos ang ilang segundong pagtititigan...
Anak: Ma, ako na magsasabi o ikaw na?
________________________________
'pag di mo pa na-gets, wala kang kwentotero.com for a week!
No comments:
Post a Comment