Nung bata pa kami, aminado kami na idolo namin ang wrestling, WWF pa nun ang uso, meron sila Stone Cold Steve Austin, ang cool pa ng D'generation X, wala pang taga-circus na may maskara, hindi pa mukang bonjing si kane at wala pang split-ends si Undertaker. Gusto naming gawin ang mga bagay na ginagawa nila, pero dahil nga sa message na "DONT TRY THIS YOUR HOUSE", eh hindi na namin inatempt na gawin sa bahay yun.
Habang tumatanda kami, narerealize namin na hindi pala totoo ang Wrestling. Ikaw ba nmn ang lundagan, sipain, suntukin, sikuhin, tapos bigla ka nalang lalakas at mananalo sa huli? Bullshit diba? Pero mali pala kami, gumuho ang paninindigan naming peke ang wrestling. Napahiya kami sa sarili namin dahil sa video na to. Totoo po ang wrestling... TOTOO ANG WRESTLING!!!
Totoo rin ang tooth fairy at boogeyman.. pati si undin totoo.
No comments:
Post a Comment