Isa sa pinakamatagal madecompose na waste material ay ang plastic. Kung hindi mo napapansin, yang container ng pinagiinuman mo ng tubig ay may recycling symbol? Wala? Wala kang iniinum ngayon? Sige, bili ka muna bago ka magbasa... kung meron, tignan mo kung pamilyar sayo to:
Ieexplain namin sainyo kung ano ang mga meaning at san narerecycle ang iba't-ibang uri ng plastic n yan.
PET or PETE (polyethylene terephthalate)
'eto yung pinakacommon na plastic na nakikita natin. Karaniwang example nito eh yung mga bote ng tubig, softdrinks, at kung anu-ano pang naiinom (nakaplastic, siyempre..) lalagyan ng salad dressings, mouthwash at 'etc'. Narerecycle naman ito para gawing container ulet, minsan carpet, fiber at kung anu-ano pa na pang polyethylene terephthalate.
HDPE (high density polyethylene)
Ang uri ng plastic naman na to eh yung maraming gamit lalo na sa packaging. 'eto yung lalagyan ng gatas, shampoo, bleach, detergent na nirerecycle naman para maging garbage bins, lalagyan ng lubricants, drainage pipe, detergent bottles, at syempre, 'etc'.
V (Vinyl) or PVC
Ang uri ng plastic naman na to eh mataas ang toxicity level kaya kapag nasunog eh nalalabas ng usok na nakaksama sa kalusugan. Ilan sa halimbawa eh mga detergent bottles, shampoo bottles, cooking oil bottles, clear food packaging, wire jacketing, medical equipment, siding, windows, piping na nirerecycle naman at nagiging mudflaps, roadway gutters, flooring, cables, speed bumps at mga mats.
LDPE (low density polyethylene)
Etong plastic na to eh masaklap ang history, dahil dati, walang interesadong iRecycle to dahil masyadong manipis ang material na to. Ilan sa mga halimbawa eh mga Squeezable bottles, lalagyan ng frozen foods, dry cleaning at shopping bags na kung na recycle naman eh madalas nagiging trash can liners at trash bins.
PP (polypropylene)
Ang type ng plastic na to eh mataas ang melting point, kaya makikita mo bilang containers ng catsup, yogurt, syrups, straws at kung anu-ano pa na nagiging battery cable, brush, battery cases, ice scrapers, landscape borders, bicycle racks, rakes, bins, pallets o mga trays naman pag naRecycle.
PS (polystyrene)
Pinaka-sikat ang plastic na 'to sa mga environmentalist dahil eto yung mga tipong mahirap iRecycle,at tila walang pakinabang dahil nga eto yung mga Disposables. Makikita natin ang mga to na pakalat-kalat...plastic-cups, meat trays, at mga Styrofoam products na pagkatapos maRecycle eh nagiging insulators, rulers, panel-switches at kung ano pang kaplastikan.
Miscellaneous (Polycarbonate)
Eto yung mga hard plastics na tinatawag, hazardous rin ito kapag nasunog dahil naglealeach ito ng hormone disruptors. Ang mga halimbawa nito ay mga 3 o 5-gallon water bottles, 'bullet-proof' materials, sunglasses, DVDs, iPod and computer cases, signboards at hindi pa nareRecycle sa ngayon.
Marami ring gamit ang plastic, at kelangan rin nating gawin ang nararapat para sa ikabubuti ng lahat dahil unang-una, pinadadali ang pamumuhay natin. Hindi tulad sa susunod na uri ng plastic na sa tingin ko, e wala naman talagang silbi sa buhay nino man, at kahit iRecycle eh useless parin.
___________________________
Please Dispose Properly.
plastic info galing dito.
LOL i like it
ReplyDeletemadami talagang Plastic HAHAHA!