Pangarap ni JunJun ang maging Horse Jockey noon, bata pa lamang siya, mahilig na siyang mangabayo. Pag-abot niya ng 10 years old, nagpapractice na siyang mangabayo ng unan. 'Di nagtagal ay napansin ng mga magulang niya ang anking talento niya sa pangagabayo, at bilang magulang ay ginawa nila ang lahat para matupad ang mga pangarap ng pangatlo sa apat nilang anak.
(Si SeaBiscuit)
Isa sa mga nagtulak para ipagpatuloy ni JunJun ang kanyang pangarap ang pagpanuod niya sa kwento ni SeaBiscuit. Isang kabayo na champion sa larangan ng pangangarera. Ito ang naging inspirasyon niya para magsumikap para matupad ang kaniyang pangarap mangabayo. Di kalaunan, nakapagtapos si JunJun sa kursong nursing, at nagtrabaho sa isang prestihiyosong opsital sa bansang amerika. Sa edad na 24, ay maagang nagsawa si JunJun dahil hindi siya masaya sa kaniyan ginagawa.
(larawan ni JunJun sa pangangabayo)
Pagbalik sa kanilang tahanan, ay nagdesisyon siyang maging Horse Jockey, tulad ng pinapangarap niya noong bata pa lamang siya. Kumabayo siya ng kumabayo, walang pagod na nagtraining mangabayo at naghinete sa karera si JunJun. Hindi man siya nananalo kahit minsan, ay masaya naman siya sa kanyang ginagawa.
Lumipas ang panahon at nagkaroon ng mainit na pagsasama si JunJun at ang kabayo niyang si Kerwin. Magkasama sila sa lahat ng ginagawa ni JunJun. Mula sa paglinis ng garahe, hanggang sa pag-ihaw ng talong sa picnic ay magkasama ang dalawa.
Lumipas ang mga araw at nangarera ulit si JunJun kasama si Kerwin. Ngunit hindi lubos akalain, kahit ng tadhana ang kapalaran ng dalawa sa araw ng karerang ito. Nang tumatakbo si Kerwin habang kinakabayo ni JunJun ay nagkaron ng maling 'moves' ang kabayo dahilan sa pagkakatapilok nito.
(illustration ng pagkakatapilok ng kabayo ni JunJun)
Dahil sa insidente, hindi na muli pang nakapangabayo si JunJun, at sinisi naman ng magulang niya si Kerwin sa nangyare. Hindi na muli pang nagkita ang dalawa at sa kadahilanang 'yon, umalis si Kerwin at naglasing. Uminom si Kerwin na parang wala ng bukas na siya namang nagdulot ng kapahamakan sa kaniya. Isang gabi, nasagasaan siya... sa isang madilim na eskenita♫... ♪haaaaa!
Hindi na muli pang nangabayo si JunJun...
____________________________
wala kaming intensyong magpatawa... gusto lang namin sayangin ang oras mo.
No comments:
Post a Comment