Sawa ka na bang magmukang tanga sa isang Chinese Restaurant sa pagkain gamit ang dalawang stick? Sawa ka na bang magmukang tanga sa kahit anong restaurant sa pagkain gamit ang dalawang stick dahil hindi mo naman alam gamitin at ewan ko sayo kung bakit mo ginagamit kung hindi mo nga naman talaga alam gamitin.
Sawa ka na ba sa kakabasa ng pagkahaba-habang intro na 'to baka nga hindi mo nga binabasa ang part na to...anyway.
Narito kami upang tulungan kang maabot ang munti mong pangarap sa pag-gamit ng chopsticks. Marahil ay naturingan kang adik sa Kpop o Jpop kaya't pati sa kusina e gusto mo silang gayahin. Ayaw namin silang ipromote sa kahit na anong shit pero dahil nga hindi tungkol sa kanila ang post na to, bakit ko pa pinahahaba...
sundin lang ang aming 6 EASY STEPS sa pag-gamit ng chopsticks.
ilagay ang unang chopstick sa gitna ng iyong hinlalaki at hintuturo.
(gamitin ang sanayang kamay, kanan kung kanan, kung hindi naman, yung isang kanan)
ilagay ang ikalawang chopstick malapit sa pinaglagyan ng unang chopstick.
ipitin na parang humahawak ka ng lapis.
o ballpen.
gamit ang iyong hinlalaki at hintuturo, kontroling ng maigi ang chopstick.
tandaan na ang pangalawang chopstick lang ang dapat na gumagalaw para umipit ng pagkain.
('wag mag-alala kung nalalaglag mo ang pagkain, ganyan talaga ang buhay pag step 3)
masdan kung paano mahulog ang pagkaing pinaghirapang ipitin gamit ang chopstick sa plato.
ulitin ang step 1 hanggang step 5 kung kinakailangan.
gumamit ka na lang ng tinidor.
______________________________________
sana ay nakatulong kami sa pag-solve ng problema niyo sa chopsticks.
No comments:
Post a Comment