RIP: Micheal Jackson... and Rene Requiestas

sabi nga ng idol naming si Lourd De Vera, hindi maikakaila na tumatak na sa buhay ng tao si Micheal Jackson. June 25, 2009 nang yumao ang king of pop at dalawang araw na lang bago ang ikalawang-taong anibersaryo ng kanyang pagkawala. Marami na rin ang negatibong istorya ang dumaan at naichismis sa king of pop - baliw, taong an-an, alien, bakla at ang pinakahuling mainit na intriga, ay ang kanyang pagiging pedophile, na hindi naman talaga chismis, bagkus, ay ang katotohanan. Hindi naman namin sinasabi na si Jacko ay baliw o alien...basta, yun na yun...

Hindi siya si Bruno Mars na long hair.

Marahil si Micheal Jackson na ang huling magiging idol ng karamihan pagdating sa pop dahil wala naman nang pupwedeng pumalit sakanya. Sa katunayan, hinambing sa pangalan niya ang inaanak ko... si Jacko Lyn T. Rivera.

Oo, marami ang nagsisikatan ngayong bagong idol pero iba pa rin siya sa kanyang henerasyon. Isa na siyang haligi kung tutuusin. 

Kahit pag samahin mo pa ang gagong 'to

at ang gagang 'to

isali mo na rin ang allergic sa damit na mokong na 'to
wala pa ring makakapantay kay Micheal Jackson. 

Isang buwan matapos ang pagkamatay ni Micheal Jackson, ay inaalala rin natin ang pagkamatay ng isang napakagaling at napakapoging comedian sa balat ng tinalupan...ng Pilipinas, si Rene Requiestas. Taong 1993 nang huling gumawa ng pelikula si Requiestas na siya namang gumanap bilang 'joker' sa Alyas Batman en Robin. July 24 ng taon ring iyon siya namatay sanhi ng Tuberculosis. 


Nadiskubre si Rene Requiestas ng isang talent scout ng Regal Films noong nagbebenta pa lamang siya nag yosi sa cubao. Base sa mga napanuod naming mga pelikula niya sa cinema1, masasabing kakaiba siya sa mga naging komedyante nung late 70's hanggang early 90's dahil na rin sa kalibre niya sa ganitong genre. Paminsan-minsan raw, eh siya na rin ang tumatayong director sa mga pelikula niya dahil meron siyang edge sa gano'ng bagay. Hindi rin maikakaila na siya na ang maging pambansang bungal ng Pilipinas.


Dahil sa husay nilang dalawa, nararapat lang silang bigyan ng tribute. Pero dahil nga nakakatamad maghanap ng tig-isa sila, sinubukan naming maghanap ng iisang video para sakanilang dalawa. 2 in 1 tribute kumbaga. Pinalad naman kami sa tangka naming paghalungkat sa internet. Para sa mga yumaong tulad nyo... mabuhay kayo! Micheal Jackson at Rene Requiestas! Long live!


_______________________________

2 in 1
 made in India





1 comment:

Hanapin mo dito kung naligaw ka lang

DSCLMR

The authors does not claim any pictures,videos and other contents which are under copyrights, visual details such as these were merely downloaded from the internet.