Base sa nakalap naming impormasyon, marami ang tumangkilik ng post namin na "USAPANG WHALE HUNTING", na kung matatandaan ninyo ay ipinost ilang araw na ang nakakaraan. Tungkol ito sa umiinit na usapin tungkol sa laganap na pagpaslang at pagubos sa mga nilalang na ito sa karagatan. Sa aming pagikot-ikot sa aming Facebook FanPage ay may namataan kaming isang comment. Isang fan na sa tingin namin ay walang puso't may intensyong suportahan ang whale hunting. Base sa comment niya, eh gusto raw niya mag whale hunting. Hindi namin malunok ang nabasa namin, dahil sa sakit nito't hindi namin matanggap, at sa kadahilanang nabasa lang namin 'yon at talagang hindi malulunok.
Anyway, dahil nga mahal namin ang mga sumusuporta samin, wala na kaming magagawa, natural lang nga na suportahan ka rin namin. Ganun kaimportante ang mga readers namin. Ikaw na rin ang nagsabi na 'bakit hindi' (hindi nya sinabe ng literal pero yun yung point. tska tinagalog lang.) Kami na rin ang maghahanap ng whale mo, para pagtusok na lang ang gagawin mo. Labag man sa aming kalooban, ay gagawin namin ito.
Sana ay maging masaya ka sa pagtusok ng whale na yan.
Pero ingatan mo lang ha? Save mo parin.
No comments:
Post a Comment