Si Manong Mario.

Talon.
Untog sa brick.
Talon..
Turbo.. Talon..
Mushroom..
Flower..
Star..nice!
Ui fuck! 1-up.
Talon ulet..
Tang-ina mo Kupa!!!
Shit! Nasan si Princess Peach?

Mga karaniwang naririnig sa paglalaro ng Super Mario noon.


***************

Alam naman na natin na ang larong Super Mario ay isa sa pinakasikat na laro sa video game noon. Malaki ang posibilidad na hindi ito alam ng mga karamihang kabataan na adik sa video games sa panahon ngayon dahil marami na ang naglilipana na HD video games. Kung tutuusin kasi, ang larong super mario ay tumatayong video game icon dahil diredirecho ang pagdevelop nito ng Nintendo™ mula nung ginawa ito na nagsimula naman ang pagsikat noong late 80's at 90's at hindi yata ito alam ng karamihan sa mga Video Game addicts ngayon.

Marami ang nawili sa larong ito, at eto ang uso noon na nilalaro pa sa Family Computer. ('eto ung computer game console ng mga sinaunang tao.) Na sinundan naman ng mas magaganda pang adventure concepts ng game pagpasok ng SNESS at Nintendo64. Nakakamiss, pero boring na. Kung ikokompara kasi sa panahon ng video game ngayon, iba na. Siyempre, mas malupet ang mga HD quality ng game, kesa naman sa 8-bit graphic noon. Pero ang mas nakakasawa, ung laro talaga mismo. Tubero si Mario at Luigi, at tubero sila hanggang mawala ang larong yan. Kung magpoproduce pa sila ng larong Mario, sana naman eh palitan ang trabaho niya para mas maging cool ang laro. Malay natin, mas pumatok pa 'to kesa nung talon talon lang ang kaya nyang gawin diba?

imagine...





No comments:

Post a Comment

Hanapin mo dito kung naligaw ka lang

DSCLMR

The authors does not claim any pictures,videos and other contents which are under copyrights, visual details such as these were merely downloaded from the internet.