Malaki ba ang bahay nyo?
Wala ba kayong vacuum cleaner?
Wala ba kayong katulong?
Meron ba kayong katulong pero tamad lang?
Wala ba kayong katulong?
Meron ba kayong katulong pero tamad lang?
O mahilig lang kayong magslide sa sahig ng bahay nyo dahil malaki ang bahay nyo at wala kayong vacuum cleaner tpos hindi ka sigurado na may katulong nga kayo o wala???
bumili na ng...
BASAHANELAS!
garantisadong kikintab ang sahig nyo..
masagot mo pa ang mga katanungan sa itaas!
*feet not included
__________
Mahal ba ang pwet mo?
Galit ka ba kay Leonardo Da Vinci?
Galit ba ang mahal mong pwet kay Leonardo Da Vinci?
Bumili na, at i-relax ang iyong apple bottom sa..
MONALISANG CHAIR
paubos na.. kahit parang hindi pinagisipan ang pangalan..
__________
Adik ka ba sa Star Wars?
Mahilig ka ba sa Toasted Bread?
Adik ka ba sa Toasted Bread at Mahilig ka sa Star Wars?
nararapat kang bumili ng:
LIGHT SABER SLICER/TOASTER DEVICE
sa Light Saber Slicer/Toaster Device, hindi mo na kelangan bumili pa ng toaster.
Mas mabilis na ang proseso, mas cool pang tignan.
bili na ng Light Saber Slicer/Toaster Device!
Dahil sa Light Saber Slicer/Toaster Device, cool ang pag gawa ng french toast!
__________
Kasing arte mo ba si Kris Aquino?
Maarte ka ba sa saging?
Basta maarte ka ba sa saging??
subukan ang:
KASING ARTE NI KRIS AQUINO BANANA SLICER
ipanladakan mong maarte ka! lalo na sa pagkain ng saging.
__________
Gusto mo ba ng may headlights na sandals?
wala ng susunod na tanong gago! ano? gsto mo ng sapatos na may flash light?
oh, check mo:
SANDALIGHTS
magumuka kang gago, kahit sa loob ng bahay lang.
__________
Sawa ka na bang nakikisuyo sa payong ang boy friend mo?
Gusto mo sya ang pahawakin mo next time?
Chick ka ba? Gusto mo kaming mameet?
eto ang bagay sayo:
PAYONG x2
Designed para sa mga parating sinusuyuan pag umuulan
at sa mga mutant na dalawa ang ulo.
__________
Matanda ka na ba?
Sag na ba ang dibdib mo?
Sag na ba ang dibdib mo at miss mo nang dakmain ng BF mo?
Sag na ba ang dibdib mo at miss mo nang dakmain ng BF mo pero hindi nya magawa dahil bakla siya?
edi magsuot ka ng:
SALUNG-SUSO
*product warning:
wearing may make you look stupid and perverted.
__________
May 6 bottles ka ba ng beer?
Nagtitipid ka ba sa space sa refrigerator nyo?
Sigurado ka bang may refrigerator kayo?
bakit hindi ka bumili ng:
KWENTOTERO SPACE-SAVER POWER CLIP FOR BEER BOTTLES
Amazing hindi ba? Bili na!
__________
Mahilig ka bang Fuminger?
Ng Foods?
magsuot na ng:
CKS (Company ng Kwentotero Systems)
PARTY FINGER FORKS
Bahala ka ng magisip ng pahabol para dito..
__________
REMINDER:
Lahat ng produktong nakapaskil dito ay 100% na original.
PEKE ang mga nakikita nyo sa Internet.
FOR ORDERS:
sa comment box nalang, para mabilis.
sa comment box nalang, para mabilis.
No comments:
Post a Comment