Usapang Whale Hunting

Napakalaki ng epekto ng whale hunting sa eco-system. Ang Northern part ng Pacific Ocean ang pinaniniwalaang pinakamalawak na habitat ng mga marine mammals na ito. Sa tuloy-tuloy na research ng mga scientist, lumabas na malaki ang ibinagsak ng bilang nga mga whales 50 years after ng World War II sa North-Pacific Ocean. At dahil na rin sa pagkawala ng mga ito, nagkaron ng Domino Effect at maraming specie ng iba't-ibang marine mammals ang nasama sa pagbabagsak ng bilang nito.

isang replika ng HARPOON. 
ito ang ginagamit panghuli sa mga whales.

Sa kasalukuyan, ang WWF, o mas kilala bilang ang World Wildlife Fund, ay ang numero unong tumutuligsa sa whale hunting. Sila ang nagsumite ng batas na itigil na ang whale hunting dahil sa critical na condition ng mga nilalang na ito, na sinuportahan at sinundan naman ng iba't-ibang organisasyon mula sa iba't ibang panig ng mundo. 

ang flesh-wound na epekto ng pagtama ng harpoon sa isang Hump-Back whale.

Malaki ang naibawas simula ng mailunsad ang anti whale hunting movement ng WWF. Ayon sa mga liable sources ng kwentotero, ang mga bansang JAPAN, NORWAY, ICELAND at mga malapit sa Atlantic Ocean ang nangunguna at nananatiling walang pakialam sa unti-unting pagkaubos ng mga whales.

Ang saamin lang, napakasaklap talaga ng estado ng mga whales. Hindi man lang maisip ng mga whale hunters ang Eco System natin, na dapat ay may balanse at tratuhin ng pantay pantay ang bawat nilalang sa mundo dahil pare-parehas lang tayong nakikitira rito. Specie equality kumbaga, dahil tayong mga tao ang may pinakamalaking part na pinakikinabangan sa mundo. Kung kami ang tatanungin, hinding hindi namin kayang mag whale hunting dahil may consensya kami at madaling manlambot ang puso namin...


sino ba naman kasi ang walang pusong uubos sa mga nilalang na yan!?

PLEASE, itigil na ang WHALE HUNTING! 





No comments:

Post a Comment

Hanapin mo dito kung naligaw ka lang

DSCLMR

The authors does not claim any pictures,videos and other contents which are under copyrights, visual details such as these were merely downloaded from the internet.