Kahapon, ipinagdiwang ng buong mundo ang ika-sampung taon ng pag-atake ng Al-Qaeda sa bansang Estados Unidos . Isang dekada na ang nakakaraan, grade 6 palang ako no'n, tila apat na taon lang ang nakakalipas, dahil 4th year High School parin ako ngayon, ngunit sariwa parin ang mga alaala ng araw na yon. (Oo, nasaksihan ko yun dahil sa New York ako nag-aral)
Apat na eroplano ang hinigh-jack ng Al-Qaeda at isinalpok sa Twin Towers ng World Trade Center na dahilan naman sa agarang pag-guho ng dalawang gusali. Isinakto pa nila sa date na 9/11, na siya namang emergency hotline ng US...911.
Dito na nagsimula ang gulo. Nagdeklara ang presidente ng may termino nung taong iyon, na si Kumpareng George Bush ng giyera laban sa Afghanistan, dahil dito ang kuta ng leader ng terrorist group na Al-Qaeda na si Osama Bin Laden. At dahil do'n, napakaraming inosenteng tao, baka, aso at kambing ang namatay sa sampung taon na pagbobomba ng US sa Afghanistan.
May 2, 2011 kumalat naman ang balita na todas na si Osama Bin Laden. Napasok ng US ang compound ng Abbottabad, na noon ay pinaghihinalaang pinagtataguan ni Bin Laden. Nadali si Osama sa kanyang kwarto at nabaril ng isa sa mga Elite Navy Seals ng US habang gumamit ng babae si Bin Laden bilang isang 'human shield'. Makalipas ang karumaldumal na pangyayare ay inilipad raw ang mga labi ni Osama at itinapon sa dagat habang pauwi ng walang kagalos-galos ang mga sundalo ng Estados Unidos.
HINDI PO TOTOO ANG CLAIM NG U.S. !! Kung totoong nabaril nga si Osama at ideneklarang tapos na ang kampanya ng US sa War on Terror, bakit hindi ipasapubliko ang kumpirmasyon ng balita? Bakit kinakailangang itapon sa dagat ang mga labi ni Osama at hindi pinadaan sa autopsy para sa confirmation ng identity? Paano kung double niya lang yun? At higit sa lahat, bakit nakikipaginuman si Osama sa mga mokong na 'to?
_________________________________
Hustisya para sa katotohanan! Hustisya!!!
c Daniel si osama binladen! haha
ReplyDelete