Si Solar Demi ang bagong liwanag.


Napakahuwaran ng maiksing palabas na to. Hindi mo maiisip na sa dami nilang nagkukumpulan sa lugar nila, merong isang umusbong na utak para masolusyonan ang isang problemang napakalaki ng epekto kung titignan mo sa iba't-ibang aspeto. Dikit-dikit ang bahay nila, kumpulan at walang 'source of natural light'. Ibig sabihin, walang silbi ang mga bintana, ang tanging ilaw mo lang siguro eh yung sinag ng araw na nagpapakahirap sumingit sa mga crack ng pader at konting tupi lamang ng yero. Kung madiskubre ito ng gobyerno, pupwede itong gawing produkto ng bansa dahil kung inapply ito sa pader ng building eh malaki ang matitipid natin sa kuryente, updated pa ang body time natin dahil pag-didilim na, alam natin na late na... yun eh kung papansinin ito ng gobyerno. Pero sa palagay namin, kelangan, ang unang malagyan nito eh ang Senado at MalacaƱang, para sila yung unang maliwanagan.
________________________
Sa syensya, hindi nasusukat ang halaga ng proyekto sa laki nito, kundi sa pakinabang nito sa tao.





No comments:

Post a Comment

Hanapin mo dito kung naligaw ka lang

DSCLMR

The authors does not claim any pictures,videos and other contents which are under copyrights, visual details such as these were merely downloaded from the internet.