Ayon sa sigawan na narinig namin, 3rd place ang pambato nating si Miss Shamcey Supsup. Pero dahil Pinoy nga naman tayo, siya parin ang panalo para satin. Parang nung natalo si Pacquiao kay Morales, naalala mo pa ba? Nung mga panahon 'yon, si Pacquiao parin ang champion para satin. Pero mabalik nga tayo sa Miss Universe, maihiwalay ko rin ang kwentotero sa karamihan, na para sakanila, si Shamcey ang panalo...
Congratulations sa pambato nating si Miss Shamcey Supsup ng GenSan. (Ano ba ang meron sa GenSan maliban sa kanilang dalawa ni MP?!)
Pero para samin, si Catalina Robayo ang panalo.
Siya ang Miss Columbia. Siya ang pinili naming Miss Kwentotero 2011 dahil dito:
hindi yan optical illusion...
________________________________
oh, wag ka namang mag 'fap-fap' jan!
Napakahuwaran ng maiksing palabas na to. Hindi mo maiisip na sa dami nilang nagkukumpulan sa lugar nila, merong isang umusbong na utak para masolusyonan ang isang problemang napakalaki ng epekto kung titignan mo sa iba't-ibang aspeto. Dikit-dikit ang bahay nila, kumpulan at walang 'source of natural light'. Ibig sabihin, walang silbi ang mga bintana, ang tanging ilaw mo lang siguro eh yung sinag ng araw na nagpapakahirap sumingit sa mga crack ng pader at konting tupi lamang ng yero. Kung madiskubre ito ng gobyerno, pupwede itong gawing produkto ng bansa dahil kung inapply ito sa pader ng building eh malaki ang matitipid natin sa kuryente, updated pa ang body time natin dahil pag-didilim na, alam natin na late na... yun eh kung papansinin ito ng gobyerno. Pero sa palagay namin, kelangan, ang unang malagyan nito eh ang Senado at MalacaƱang, para sila yung unang maliwanagan.
________________________
Sa syensya, hindi nasusukat ang halaga ng proyekto sa laki nito, kundi sa pakinabang nito sa tao.
Ok, so bihira lang kaming magbigay ng mga awards... Kung tutuusin, pangalawa pa lamang etong award na 'to, dahil na rin sa bihira lang kaming makapanood ng TV, at dahil narin sa sobrang sipag naming maghanap eh wala kaming makita.
Inihahandog ng kwentotero, ang diyos ng katangahan...
si
Nang magpaulan ang diyos ng common sense, nag-payong ang taong 'to.
_____________________________
kung hindi mo naGets kung bakit, isa ka sa sumasamba sa kanya...
Ang pangalan na "Hubad for all season" ay nais naming iparangal kay ginoong Aljur Abrenica sa kadahilanang hubad siya sa lahat ng kanyang ginagawa...at na-spotan ng kwentotero si Aljur Abrenica sa kanyang daily living...
Habang nasa bahay

Habang nasa tabi ng pool

Habang nagpapacute

..at habang nasa garden at nagrerelax

At dahil dyan Aljur..Tanggapin mo ang tropeyong ito..congratulations!
you deserve this award

From Kwentotero Family
Hanapin mo dito kung naligaw ka lang